"Bayani ng Aral:Pasasalamat sa Guro"
Guro , iisang salita ngunit marami ang nagagawa.
Nagsisilbi nang marangal , tapat , at totoo.
Guro , ang kayamanan ng ating bayan dahil sila'y nakapahusay magturo.
Sa inyong pagtuturo , pagmamahal niyo ay aming nadarama.
Kabutihan ng guro , tila walang hanggan.
Guro na kaagapay sa pang-araw-araw na laban.
Sa bawat hakbang ng buhay , kayo'y umaalalay sa amin.
Kaya't walang hanggang pasasalamat ang kaya naming ibalik.
Sa bawat leksiyon na iyong bitbit araw-araw.
Sa magandang loob at pag-uunawa.
Sa aming pag-aaral kami ay iyong ginagabayan.
Sa bawat araw kami ay natututo , dahil sa sigla mong pagtuturo.
Ang lahat ng payo mo , dala namin magpakailanman.
Sa bawat araw na nagdadaan , guro'y aming pag-asa at sigla.
Salamat , sa bawat salita at iyong pangaral.
Sa bawat klase na aming pinapahalagahan at isinasaisip.
Sa inyong pagtuturo kinabukasan ay gaganda at pangarap ay maabot.
At habang maaga , dala namin ang pasasalamat.
Kaya't kami'y nagpapasalamat sa walang humpay ninyong pagmamahal.
Kabutihan ng guro , huwag nating kalimutan kung kaya't ito'y ating pahalagahan.
Comments
Post a Comment